Exposing Axie Infinity's Shady Business Practices - Reaction
Kamusta, mga ka-Axie! Ako nga pala si Brycent. Sa huli kong video, nagreact ako sa video ni Classy tungkol sa pagbenta niya ng lahat ng axie niya. Dahil ang dami sa inyo ay nagrerequest pa ng mga reaction video, mag rereact ako sa panibagong video. Ngayon naman, ang papanoorin ko ay ang "Exposing Axie Infinity's Shady Business Practices" Ang gumawa nito ay si Axie King, pero ang bagong username niya sa Youtube ay Crypto King. Guys, pag hindi niyo pa nagagawa, paki-like ng video na ito. Nakakatulong ito sa paglago ng aking channel at ng Axie Infinity.
At tumutulong rin ito sa aming paggawa ng news, analysis, content, at gameplay para sa lahat na mahilig sa Axie Infinity. 'Wag na natin patagalin at simulan na natin ang reaction video na ito. Tignan natin ano ang "shady business practices" ang ginagawa ng Axie Infinity. "Mayroon akong ebidensya na si Jihoz at si Psycheout ay nagmamanipulate ng market para sa kanilang pakinabang" Pag may narinig kayo ng ganun klaseng statement. "Mayroon akong mahalagang ebidensya" Dapat mahalaga talaga. At pag sinasabi kong mahalaga, dapat magbago ang paningin natin lahat sa sitwasyon.
Base sa sinabi niya, dapat pagkatapos ko panoorin ang video na ito, iisipin ko na si Jiho ang pinakamasamang tao sa mundo. Malay ko kung ano ang mangyayari. Tignan natin ang sasabihin niya. Alam niyo naman ang gusto ko sa mga video na ganito.
Gusto ko pag sinasabi nila agad ang plano nilang gawin. At ginagawa niya ito. Sinabi niya agad na ang Axie team ay may shady practices. Gustong gusto ko 'yan. Tignan natin kung ano pa sasabihin mo, Axie King. "Paguusapan natin ang conflict of interest dito para maintindihan ng lahat na sinungaling ang mga taong ito." "Marami pa tayong paguusapan bukod doon at ipapaliwanag ko ito ng maigi." Gusto ko rin 'yan. Sabi niya na magpapaliwanag siya ng maigi.
Ibig sabihin na pinagaralan niya talaga ito at sineset niya ang stage Ginagawa niyang malaking bagay lahat ito para ang mga manonood ng video ay mapapa "Oh sh*t" "Ang taong ito ay may importante talagang sasabihin" "Siguraduhin niyo na papanoorin niyo ang buong video para maintindihan niyo ang sinasabi ko." "Bago ko simulan ito, gusto ko sabihin na naiintindihan ko na hindi lahat ay sumusuporta sakin at iniisip ng iba na wala akong pake. Tama ka naman. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang ideya ng mga tao na wala sa isip mo ang magagandang posibilidad sa axie infinity. Dahil sa iba mong content, maraming nagsasabi nito.
Iniisip ko ba na ang iba mong content ay may bias? Oo. Pwede mo gawin ito ng mas maayos? Oo. Pero ibang klaseng video ito. Ang ginagawa mo dito ay "ine-expose mo ang shady business practices ng Axie Infinity team." Kaya gusto ko muna tignan ang mga sasabihin mo dito. Ituloy na natin ang video. "...para alam ng lahat ito."
"Okay lang kung hindi ka naniniwala sakin pero mayroon akong ebidensya na dapat pansinin ng lahat." "Kaya titignan natin 'yun. Panoorin mo muna ang video at intindihin ang ebidensya bago ka gumawa ng sarili mong opinyon." Dapat maging detective tayo gaya ni Sherlock Holmes.
Titignan natin ang ebidensya at dapat kumpirmahin ito. At pag hindi ko kaya kumpirmahin ito agad, gagawin natin ito sa kinabukasan dahil mabigat talaga ang paksang ito. Kaya importanteng siguraduhin na totoo ang sinasabi nito.
"...dahil importante ang mga nakasulat dito." "Bago natin tignan ang ebidensya, sasabihin ko muna ang aking thesis" "para suportahan lahat ng sasabihin ko." Sinisimulan niya na. Mukhang mayroon siyang 12 na slide at may thesis pa. Ang pokus niya dito ay ang Yield Guild Games. "Unang una, ang Yield Guild Games ay isang organisasyon na nagmamay-ari ng 25,000 na axie." "marami rin silang land at nagbabayad sila ng higit sa isang milyong dollars sa mga miyembro nila kada linggo dahil sa paglaro nila ng P2E games."
"Ang pinakamalaking play-to-earn nilang laro ay Axie Infinity." "Si Aleksander Larsen (Psycheout) ay founding member ng YGG at co-founder rin ng Axie Infinity" "Ang YGG ay open-market competition para sa ibang investors at manlalaro ng Axie Infinity." Sasabihin ko na maayos na tao si Psycheout. Gusto ko ang mga ginagawa niya sa Axie Infinity. Siya ay co-founder ng Axie at pokus niya talaga ay ang mga operation ng laro. Magandang guild ang Yield Guild Games. May 25,000 axies pa sila.
Sasabihin ko na agad na ang Loot Squad ay may partnership kasama ang YGG. Tinulungan nila kami lumago pa. Wala akong masamang masasabi tungkol sa YGG. Pag tinanggal mo ang YGG sa scholar market, hindi aabot sa puntong ito ang mga scholarship sa Axie.
"Ang YGG ay mayroong kalamangan sa ibang investor dahil parte ang mga founder ng Axie sa organisasyon na ito." "Sila rin ang responsable sa marketing at pagkagawa ng Philippine bubble." "Ang bubble na 'yun ay sobrang nakatulong sa YGG pero ang ibang tao ay nawalan ng pera sa investment nila."
"Kahit sinasabi ni Psycheout na hindi nagbebenta ng securities ang Axie," "Ang YGG naman ay ang nagbebenta ng mga ito." Marami tayong kailangan pag-aralan dito. Ang una ay sinasabi niyang may kalamangan ang YGG sa ibang investors. Ang naiisip ko dyan ay, ang kalamangan nila ay hindi nanggagaling sa pagiging miyembro ni Psycheout. Nanggagaling ang advantage nila sa pagiging pinaka unang guild. Ang YGG ay ginawa nung huling October. Nakabili sila ng mga axie nung mura pa sila di gaya ng mga presyo ngayon.
'Yun siguro ang pinaka kalamangan nila sa iba. Ang sunod niyang sinabi ay maraming nawalan ng pera dahil dito. Gusto kong malaman kung ano ang tinutukoy niya dito kasi ang Pinas ay isa sa pinakamalaking tulong sa paglago ng Axie Infinity. Kailangan niyang pagusapan pa kung paano nawalan ng pera ang mga tao. Hindi ko maintindihan paano ito nangyari dahil lang may YGG. "Dahil co-founder sila ng YGG, nagagawa nilang magbenta ng mga securities." "Ang gawaing ito ay unethical at..."
Ang sinasabi niya ay dahil parte ng YGG si Psycheout, At nagbebenta ng mga security ang YGG, Pwedeng ipromote ni Psycheout ang YGG para magbenta ng mga token nila gamit ang indirect na paraan. At dahil doon, may conflict of interest. 'Di ako sure kung nasa YGG ba talaga si Psycheout. Ang alam ko ay ang YGG ay matagal nang nasa community ng Axie kasama ang kanilang founder na si Gabby.
Parang medyo pinapalaki niya ang nangyayari dito. Ang YGG ay nasa maraming iba't ibang games, hindi lang Axie Infinity. Parang exaggerated masyado ang sinasabi niya kaya kailangan niya pa magpaliwanag para magbago isip ko. "...conflict of interest." "Magbibigay ako ng konteksto sa relasyon ni Gabby at ni Psycheout. Maayos pag nakakita ka na ng LinkedIn profile. Ganyan mo malalaman na seryoso talaga ang pinaguusapan.
Hinahanap ko ang LinkedIn ng mga tao kapag naghahanap ako ng trabaho dati. Kaya pag nakakita ako ng picture ng LinkedIn, nakakainteres. Tignan niyo si Gabby. Co-Founder ng Yield Guild Games. 'Yan ang gusto nating makita.
"Pag tinignan niyo ng maigi ang litratong ito, makikita niyo na si Gabby at si Psycheout ay" "Magkakilala na dati pa at nag tulungan na sila sa mga nakaraang mga proyekto." "Pwede niyo tignan sa LinkedIn nila pero naglagay ako ng image sa screen para makita niyo sila at mga ginawa na nila." Si Gabby ay board member ng Blockchain Game Alliance. Si Psycheout ay parte ng security board of directs ng Blockchain Game Alliance.
Kita nga na magkakilala na sila dati pa. Naiintindihan ko to pero ang hindi ko magets ay paano magiging problema ito. Kaya pakinggan pa natin siya.
"Pag bumaba ako dito, makikita niyo agad ang simula ng Yield Guild Games." "Makikita niyo ang mga unang sumali sa discord. Si Beryl, Gabby, at si Psycheout. Lahat ito ay nangyari nung October 20, 2020. "Lahat sila sumali sa discord nung Oct. 20." "Si Psycheout ay nagmessage agad. Sinabi niya 'Welcome'" "Nag replyan sila. Kita natin dito na ginawa ni Beryl at ni Gabby ang server at si Psycheout ang pangatlong sumali."
"May plano na sila bago pa mafinalize at maging public ang YGG. Wala namang reason kung bakit dapat sumali agad si Psycheout." Ititigil ko muna ang video dito. Maraming dapat maintindihan ng lahat tungkol sa pagkagawa ng mga guild, scholarships, etc. Unang una, ang gumawa ng mga scholarship program ay si AK.
Si Gabby naman ang sumunod. Gumawa siya ng paraan para maraming tao ay pwede maging scholar. 'Yun ang YGG ngayon. Ang YGG ngayon ay nagrelease na ng sariling token at pwede maginvest ang tao sa open market. Sa katotohanan, pagdating sa mga scholarship o sa mga organisasyon wala namang sinabi ang Axie Infinity na bawal maginvest ang mga co-founder nito sa mga guild.
Ang tingin ko kung bakit okay lang ito ay ang mga guild naman ay nakakatulong sa Axie Infinity. Tumutulong rin ang mga organisasyon na 'yun sa ecosystem ng laro. Halimbawa. Ako ay co-founder at CEO ng Loot Squad. Nakikiusap kami sa mga co-founder ng Axie pati na rin sa mga ibang tao sa community tungkol sa pagiging investor. Hindi naman to bihira mangyari. Makikita naman sa iba't ibang field na ang mga tao ay nagiinvest sa ecosystem nila. Kaya pagdating sa desisyon ng mga co-founder ng Axie sa pagi-invest sa Yield Guild Games, lahat na iyon ay para sa kabutihan at paglalago ng Axie Infinity. Yan ang rason kung bakit nila ginawa 'yun.
May makukuha ba silang pera sa ginawa nila? Oo. Pero pag inisip mo ang mangyayari kung walang mga guild o investment, edi hindi na lalago ang laro at ang mga guilds tapos wala ring kikita ng pera. Kaya sa tingin ko, wala namang problema kung gusto nila mag invest sa mga guild na ito. Walang conflict of interest dahil pag lumaki ang mga guild, mas maganda ang posibilidad na lumaki rin ang laro at ang community.
Ang Loot Squad ay hindi aabot sa puntong ito kung walang gumawa ng mga scholarship sa Axie. Pwede na tayo tumuloy. Gusto ko lang sana linawin 'yun dahil parang may misconception ang mga tao na bawal mag invest sa isang bagay dahil mayroon kang investment sa iba. Si Shaquille O'Neal ay may investment sa Burger King at sa Krispy Kreme. Parehas ay fast food pero may investment naman siya sa dalawang 'yun. Hindi ito kinokonsider na conflict of interest. Ang tingin ng tao dito ay ito ang simula ng business empire.
Kaya tignan niyo galing sa perspective na iyon. Ituloy na natin ito. "Isa pang gusto ko ipakita sa inyo ay si Jihoz ay sumali rin sa discord ng YGG Pagkatapos lumipas ng dalawang araw." "Sumali si Jihoz noong October 22, 2020." Hey Jiho "Sa aking thesis na pinakita ko kanina, nakasulat doon na ang YGG ay nagbebenta ng mga security. Gusto ko ipaliwanag to sa inyo." "Ang una nating kailangan tignan ay ang Howey Test." "Ang Howey Test ay ang paraan para malaman kung ang transaction ay isa nga bang investment contract, ayon sa Supreme Court."
"Pag pumasa sa test na iyon, nagiging security na 'yon." "Ang requirements naman. Nakasulat dito na ang YGG ay isang Decentralized Autonomous Organization na nag iinvest sa non-fungible token" "na ginagamit sa mga virtual world at sa mga blockchain-based games." "Ang mission ng organisasyon na ito ay gumawa ng pinakamalaking virtual world economy. May sasabihin muna ako dito dahil matagal ang discussion niya tungkol sa mga security. Sa mga hindi nakakaalam, ang Decentralized Autonomous Organzation ay walang specific na gobyerno o bansang sinusunod.
Sila ay may sariling struktura. Nagooperate sila sa mga bansang hindi strikto ang mga batas pagdating sa mga crypto. At dahil sa rason na iyon, hindi nila kailangan sumunod sa mga batas ng United States tungkol sa mga security na ito. Wala naman ang mga organisasyon na ito sa jurisdiction ng USA. Kaya kahit tinuturing bilang isang security ang token ng YGG, wala namang problema dahil wala naman sa USA ang guild na ito. Hindi sila maa-audit o mamomonitor dahi wala sa responsibilidad ng US.
Security nga ang YGG token pero hindi siya US security. "Ginagamit ng guild lahat ng assets nito at binabahagi ang kinikita nito sa mga may YGG token." "Ayon sa Howey Test, security talaga ang YGG. Mayroong investment." "May pagkakataon para mag bahagi ng kita dahil sa investment na 'yun."
"Binabase ito sa common enterprise at pinromote na nila ang token na ito gamit ang marketing." "Kumuha pa sila ng grupo para gumawa ng video para sa kanila." "Lilinawin ko pa ito mamaya pero kita naman dito na security talaga ang binebenta ng YGG." Sige na. Pwede natin sabihin na ang YGG ay nagbebenta ng token na ayon sa United States ay isang security.
Sa isang decentralized autonomous organization, o DAO, Dahil nasa jurisdiction sila ng ibang bansa, hindi problema kung may token sila o may security o kung ano man gusto mo tawagin. Pwede nila gawin ang gusto nila dahil hindi nga sila nasa USA. Importanteng alalahanin ito habang pinapanood ang video. Ang video na tinutukoy ni Crypto King ay ang Axie documentary. Ang laking tulong ng documentary na iyon sa paglago ng laro. Importante ito para sa ecosystem at importante rin para sa ating lahat. Pag tinanggal mo lahat ng tulong ng YGG at ng mga ginawa nila, halos walang naabot ang Axie Infinity.
Wala rin siguro ako dito ngayon kung hindi dahil sa Axie Infinity. Panoorin na natin ulit ang video. "Pag tinignan niyo ito, mas maniniwala kayo sakin. Ito ang account at wallet ni Psycheout." "Makikita dito na may YGG badge si Psycheout," "Ito ay malaking conflict of interest pagdating sa manipulation ng market."
"Pwede mo tignan lahat ng transaction sa address niya at mapapansin niyo na ang shady ng mga 'to." Gusto ko yung pagkasabi niya ng "Pwede mo tignan lahat ng mga shady transaction nito." Alam niya talaga paano ipagmukhang salbaheng tao si Psycheout na gumagawa ng mga masamang bagay. Magandang addition 'yun.
"Hindi ko muna ipapakita ang mga transaction na ito pero pag gusto mo tignan, puntahan mo lang yung link na nasa screen." "Pwede mo tignan. Halos lahat ng transaction ay kasama ang YGG." "Ngayon naman, ang paguusapan natin ay si Gabby at" Ititigil ko muna ang video para sabihin na kapag ikaw ay gumawa ng crypto wallet, lahat ng transaction mo ay pwedeng makita. Pati akin ganun rin. Pwede mong tignan ang Brycent.Eth at mapapansin niyo na hind talaga ako nagw-withdraw ng SLP
Kasi ginagamit ko sa paggawa ng mga scholarship. "Pinlano talaga nila ang viral video na ito. Ito rin ang naging simula ng Philippine Bubble na nakikita natin ngayon." "Pinapakita ng chat log na nagpadala talaga ng team si Gabby sa Philippines at pumili sila ng taong pinagtitiwalaan nila para interview-hin."
"Pwede mo ito basahin at itranslate kung gusto mo." "Sa mga video na ito, nagsisinungaling sila at pinapakita nila na nahanap lang ng bida ng video ang Axie Infinity at bumili siya ng team para sa sarili niya." "Gusto nilang akalain ng tao na organic ang pangyayaring ito at rags-to-riches ang istorya ng video."
"Sa katotohanan, iskolar na nila yung nasa video at nagsinungaling sila para mas kumita pa sila." Feeling ko pwedeng totooo 'yun at pwede ring hindi totoo. Mayroon akong mga scholar na nananatiling scholar pero nabili sila ng team para mayroon silang sarili nilang scholar.
Pwedeng scholar nga yung tao na nasa video pero bumili na rin siya ng sarili niyang mga axie at ginamit niya ang mga axie na ito para gumawa ng sarili niyang scholarship program. Sa tingin ko wala naman itong problema. Ilang beses na tayo nakakakita ng mga pelikula na medyo pinapalaki ang nangyayari o ang istorya. At ang "Philippine Bubble" na sinasabi niya ay nagsimula bago pa ilabas ang video. Maraming may misconception tungkol sa Philippine Bubble. Ang nagbago lang since lumabas ang video na ito ay mas maraming Filipino sa twitter. Ang dahilan dito ay ang paraan ng mga Filipino sa paghanap ng scholarship dati ay hindi masyadong Americanized. Pag tinignan mo ang aking video tungkol sa pagiging isang scholar, pagkatapos nila manood, tumigil sila sa pags-spam ng resume at natuto silang magbigay ng halaga sa community."
Kaya sa tingin ko, hindi lang ang viral video ang nagpalaki ng Filipino community sa Axie Infinity. Pero bukod man doon, sobrang ganda parin talaga ng documentary ng Axie at ang laki rin ng tulong nito. "Lahat ito ay paid promotion ng isang media company sa Singapore para i-promote ang pwedeng kitain sa Axie Infinity." "Pag pinuntahan mo ang website ng kompanya na ito, makikita mo agad na naging client talaga nila ang Yield Guild Games."
"Ayan po. Kitang kita na pinromote ito ng Singaporean na media company." Ganyan naman talaga ang marketing. Ito ang pinakamagandang marketing na nakita ko. Pinakita talaga ng YGG na sila ang #1 guild. Hindi ko nakikita ang problema. Parang content creator lang 'yan. Ipopromote ang sarili tapos gagamitin sa pagbenta ng NFT o ng merch.
Kaya okay talaga ang ginawa ng YGG dyan. "Ang summary nito ay si Gabby at si Psycheout ay nagtulungan para gawin ang Philippine bubble para mas kumita pa sila lalo." "Matagal na sila magkakilala at may private silang relasyon na hindi makatarungan para sa iba."
"Nakakatakas sila sa pinaggagawa nila dahil kulang ng regulation." "'Di ibig sabihin na dahil lang nakakatas sila, inosente sila at ethical ang ginagawa nila." "Tanungin niyo sa sarili niyo. Kung nangyari ito sa kahit anong official na business sa US," "Magkakamaraming law case dahil unethical ito." Parang masyadong ginagamit ang term na 'unethical'. Ang sitwasyon ngayon ay ang Axie Infinity ay parang NBA. Ang pagkakaroon ng guild ay parang isang team.
Hindi siguro okay kung kasali talaga si Psycheout pero parang hindi naman siya kasabwat. Pero kung kasali nga siya gaya ng sinasabi ni Crypto King dito, parang may share lang si Psycheout sa isang NBA team. Halimbawa. Kung makuha ng Loot Squad si Jiho sa investment team bilang isang anghel, nagiging unethical ba ang Loot Squad at si Jiho? Syempre hinde. Ang ibig sabihin lang nito ay may tiwala sila sa guild at gusto nilang mag invest. Hindi naman to problema. "Ang mensahe na ito ay galing kay Rage Coding at sumasangayon ako sa ideya nito."
"Minanipulate niyo ang mga Filipino at ang mga tao galing sa iba't ibang bansa." "Ang dami niyong nakuhang pera pero maraming taong hirap. "Sobrang hirap para sa iba mag compete dahil grabe ang advantage ng YGG." "Nag sinungaling kayo at nagtatago kayo sa ginawa niyong pag promote ng axie sa mga pinaka nangangailangan." Sino si Rage Coding? Dapat malaman ko kung sino 'yun. "Sa tingin ko, sobrang bastos nitong pinaggagawa nila."
"Dapat accountable sila sa ginawa nila. Hindi ako sumasang ayon sa aksyon nila." "Nung nalaman ko ang information na ito, gusto ko sana mag sabi sa inyo agad pero pinag-aralan ko muna ang paksa na ito." "Totoo nga at nakakailang ito." "Kapag nagustuhan niyo ang video, pa-like po. Sa tingin ko, sobrang sama ng ginagawa nila at dapat malaman ng lahat." "Salamat sa inyong lahat." Hindi ko kilala kung sino si Rage Coding pero masasabi ko na ang layo nung mensaheng ito.
Sa tingin ko, nagiinvest lang sila kung saan sila lalago. Kapag gusto ni Psycheout mag invest sa mga guild, edi nagbibigay lang siya sa ecosystem para sa lahat. Halimbawa, kapag walang guilds sa Axie, siguro hindi sumikat yung laro. Sobrang daming naitulong ng guilds sa Axie at marami sa tulong na iyon ay galing sa YGG. Naiintindihan ko na sinasabi ni Crypto King na hindi makaturungan ang kalamangan na ito.
Kailangan mo tanungin ang sarili mo na sa nakaraang mga taon, ilang mga axie ang nakuha nila Gabby at YGG noong mura pa ang mga axie? Ang kalamangan nila ay hindi galing sa funding. Ang kalamangan nila ay nahanap nila ang axie at nakita nila na maganda ang kinabukasan ng larong ito. Nakakatulong rin sila sa mga libo-libong Filipino na kumita kada buwan. Hindi namang masamang bagay ito.
Parang early investor lang ng Bitcoin o ng CryptoPunks. Naunahan mo yung iba kaya mas maraming benepisyo kang nakuha. Ang YGG ang nauna sa lahat kaya sila ang nakakagawa nito.
Iniisip ko bang magandang opportunity ang axie? Syempre. Masasabi ko na medyo malayo ang accusation ni Crypto King. Wala namang business practice na ginagawa ang Axie Infinity na makakasakit sa ecosystem o sa community. Ang nakikita ko lang ay nagiinvest sila sa ginagawa nilang laro. Ang Axie Infinity ay ginawa ng Sky Mavis.
Pag gusto ng mga founder ng laro na mag-invest ng pera sa mga guild, organisasyon, o sa crypto space, okay lang 'yun. Magiging problema lang talaga ito kung ang mga founder ay nag iinvest ng pera tapos pinupump nila ang prices artificially. Wala pa naman silang ginagawang ganun. Organic ang growth ng ecosystem kahit medyo nahihirapan sa price fluctuation dahil sa SLP.
Dapat maintindihan ng tao na ang YGG ay may higit na 20 milyon na SLP. Ang tunay na halimbawa ng unethical business practice ay pag naglabas ng update ang Axie Infinity na magp-pump ng presyo ng SLP at biglang binenta ng YGG lahat ng SLP nila. Isipin mo na sobrang daming SLP pero hindi mo binebenta kahit isa dahil gusto mo lang ipalago ang laro at ang ecosystem. Hindi ko masasabi na ang Axie, YGG, at iba't iba pang guild ay gumagawa ng mga shady business practice. Nasiyahan ako sa pagreact sa video na ito kaya shoutout kay Crypto King sa pagkagawa nito.
Pag nagustuhan niyo ang video na ito, matutuwa ako pag ni-like niyo ang video. Makakatulongg ito sa paglago ng channel ko. I-comment niyo kung anong video ang gusto niyo makita sa sunod kong react na video. Salamat ulit sa panonood.
At laging tandaan BECOME THE IMPOSSIBLE!
2021-09-26 20:33