THE JOB OF BUSINESS MAN AND HIS LOVING HEART • With Tagalog Subtitle • SHORT BL STORY

THE JOB OF BUSINESS MAN AND HIS LOVING HEART • With Tagalog Subtitle • SHORT BL STORY

Show Video

Isang magandang araw sa inyo Sir Will kilalanin nyo na lang po ako sa pangalang Salvador, Badong tawag nang asawa ko saken, 38 Years old ama ng pitong anak, mister ni Irene, asawa ko po. 18 Years na kaming nagsasama at hindi pa kami kasal, nabiyayaan na kami ng pitong mga turo na binata, ngunit hindi parin siniswerte na magkaroon ng dalagang anak saameng pamilya. Ilalarawan ko itsura ko, sabi nila kahawig ko raw si Rubin padilla na medyo may pag ka Richard Gomez, medyo artistahin daw ako sabi ng mga college student dito sa canteen namen ni Misis. Meron kaming pwesto canteen dito sa University of the Philippines, hindi ko na babanggitin ang pangalan ng canteen namen, ngunit madalas, ito ang pinipili na kainan ng mga studyante sa college. Magaling daw kase ang tagaluto dito, hindi nakakasawa ang pagkain, menudo, afritada, ukoy, egado mga kadalasang niluluto ko, saksi ako sa ibat ibang uri ng estudyante na aming customer. Unang araw ng canteen namen noon, isang estudyanteng gutom na gutom ang ipinag hain ko ng agahan, tantya ko mga edad bente kung hindi ako nag kakamali, may itsura yun at nakaka awa.

Hindi ko pinag bayad, kase noong una, nakita ko yun na nakatingen sa mga ulam na inihahanda ko noong umaga na yun, matalino daw yun peru salat sa pera, kung talino lang di ka tatagal dito sa UP. Sabi ko, halika, upo ka dito, tara subukan mu tong mga luto kong ulam na pang agahan, opening namen ngayun kaya libre sa unang customer na estudyante na mapunta dito sa canteen. Pagkarinig nya, agad naman syang umupo at pagtingen ko sa mukha nya, apaka mistisung estudyante, gumuhit pa sa mukha nya ang ngiti na napakatamis pagkasabi kong libre ang unang customer.

Kamusta Boy, swerte mu, ikaw ang unang estudyante na napadpad dito sa canteen ko, anu pangalan mu? Ito logbook ilista mu pangalan mu, edad mu, number mu kung meron para marecord kita, sabi ko. Nilista nya, nagmadali syang nag sulat, habang nag susulat sya, pinagmasdan ko uniform nya na suot, manilaw nilaw ito, halatang hind brandnew, sigurado mahirap itong estudyante na ito. May mga marka pa ng sinulid na tinahi sa gilid ng polo nya, pati yung sapatos luma rin, siguro minana nya lang ang uniform na suot nya sa kung sinumang nagmagandang loob na ibigay ito sa kanya. Binigay nya saken ang Logbook, pagbasa ko, sya pala si Gabriel, tama ako, bente anyos at wala syang numero ng cellphone na nilagay, BADONG:“ Sandali lang Gabriel, limang minuto, handa na pagkain mu.

Nakangiti naman syang tinignan ako sa mata ko at parang puno ng pasasalamat ang ngiti ng kanyang mata noon, BADONG:“Gabriel paanu mu pala nahanap ang canteen ko? Swerte mu libre ka ngayun. GABRIEL: Wala kaseng pagkain sa bahay, hindi ako nag almusal, at mahal pala pamasahe papunta dito sa UP, yung natirang pera ko, pamasahe ko na lang pauwi mamaya, kaya nakatulala ako, problemado. BADONG: ” EH wala naman akong announcement na libre ngayun dito, paanu mu nalaman to?? Tanong ko pa,, GABRIEL: hindi ko alam, swerte ko lang siguro, BADONG: Swerte mu nga boy, hintay ka lang ah. BADONG: ito na ang best recipeng pang agahan sa canteen na ito, sige na kain ka na at enjoy na lang gabriel…Dumating ang asawa ko na si Irene, “BADONG:Han, bakit late ka, alam mu naman na opening tayu ngayun. Napatingen naman noon si Gabriel samen ni Irene akala nya siguro aawayin ko asawa ko na si Irene, ngumiti ako kay Gabriel sabi ko BADONG: wala to ganito talaga kami, sige na kain kalang…..

Niyakap ko si Irene at binigyan ko ng kiss sa pisnge nya kase mahal na mahal ko talaga itong asawa ko na ito kahit pasaway, subrang ganda parin ni Irene kahit pitong binatang anak na naibigay nya saken. BADONG: “Alam mu Han Irene, ang swerte ng nitong unang customer natin, mistisu at gwapo! Sya ang unang estudyanteng customer natin, dito sa UP kapag gwapo raw ang unang customer na estudyante gabriel! BADONG: “Paniguradong suswertehin kami, at alam mu ba han Irene? Huwag ka maingay ah, itong naunang customer natin, pobre! kita ko sa istura nya na mahirap talaga sya, ang uniform nya manilaw nilaw na. IRENE: “Kung ganun Han, ibigay natin sa kanya yung mga uniform nang mga binata natin, mga bago pa yun, panigurado na sakto yun sa kanya, tingen ko kaedad nya lang mga binatilyo natin, wika ni Irene. BADONG: “Tama ka ka han, apaka bait talaga ng asawa ko, bukod sa maganda na, mapagbigay at maawain pa, “ Gabriel anung oras ba uwi mu mamaya? Gusto mu bang sumama samen ng asawa ko mamaya? GABRIEL:Alas singko po Kuya Badong, bakit po samama ako sa inyo? Pagtataka ni Gabriel. BADONG :May ibibigay kami sayung mga uniform na bago, wag kang mag alala, ehahatid kita kung saan ka man nakatira. GABRIEL: hindi ako pwede mamaya, may Date kase kami ng Girlfriend ko, siguro bukas na lang po, maraming salamat kuya Badong at Miss Irene, ako pala si Gabriel masaya po ako nakilala ko kayu.

BADONG: walang problema, bukas na lang, Han pag uwi mu mu mamaya sabihan mu yung panganay natin hanapin lahat ng uniform na hindi nya ginagamit, at ilagay sa cartoon, bilin ko kay Irene noon. BADONG: Anu Gabriel ayus ba ang luto ko? GABRIEL: the best tong luto mu Kuya Badong, maraming salamat late na ako sa klase ko…at doon biglang lumapit saken si Gabriel at hinalikan ako sa pisnge. Mabilis ko naman syang itinulak dahil nandoon noon sa likod ko si Irene nag hahanda ng mga estanteng lalagyan ng mga pagkain, BADONG: “Sira, ka! Bat mu ginawa yun?..GABRIEL: Pasasalamat, Ko sayu kuya. Nagmadali naman akong tumalikod kay Gabriel at kinuha ko yung Apron ko BADONG: “ Sige na, umalis kana late kana sa klase mu, wag mung gagawin ulit yun , masusuntok kita, pag nakita yun ni Irene. Nakangiti naman naglakad papalayu sa canteen si Gabriel at nag palipad pa ito ng flying kiss habang nakatana saken, binantaan ko naman sya nang kamao ko noon na nakatiklup, sabi ko tampalin kita jan eh. Sir Will isa lamang si Gabriel sa mga Estudyante sa college na naging customer namen sa canteen ni Irene noong umaga na yun, ibang klaseng etudyante na yun, meron palang ganun, apaka pilyu.

BADONG: “Masyado kang seryuso Han sa ginagawa mu jan, ngumiti ka naman, tignan mu ako, palaging nakangiti, dadapo ang swerte saten pag palagi tayu nakangiti, ngiti na han, wika ko kay Irene na abala noon. BADONG: “Nga pala han, etext mu yung panganay natin na emaneho yung van papunta dito sa UP, at isakay yung isang carton ng uniform na ipinahanda mu kanina, ibigay na natin agad sa pobreng binata na yun. IRENE: “Sige han, han badong, papaalam pala ako sayu ngayun, may party yung kumare ko, ininvite nya ako, doon narin ako mauumagahan, BADONG:“ Ayus lang han, ikaw paba, malakas ka saken. At dumaan ang araw na yun, sumapit ang hapun, sinundo noon si Irene sa canteen ng kumare nya, biglang dumating naman si Gabriel, at dumating rin yung panganay ko na binata dala ang Van. BADONG: “Daniel Anak, tulungan mu ako magligpit dito sa canteen may lakad si Mama mu, wala akong katulong dito, Oh Gabriel andito ka na pala, tamang tama tara sama ka saken doon sa van may ibibigay ako sayu. Nakangiti naman si Gabrien na sumama saken patungo sa Van, “ BADONG: ito mga uniform yan, sayu na yan, kita ko kase na luma na ang suot mu, pag damutan mu ito Gabriel, tulong kona ito sayu” wika ko.

GABRIEL:“Nako kuya Badong ngayung araw lang po tayu nag kakilala bakit subrang bait nyu naman po saken, nilibre nyu nga ako sa canteen nyu kanina umaga tapos ngayun binigyan mu naman ako ng uniform. BADONG: “Wala yun nakikita ko sarili ko sayu noong nag aaral pa ako dito sa UP, katulad mu rin akong hirap noon, kaya ito, para sayu ito, sige na, dalhin muna to at baka inaantay kana ng Girlfriend mu Gabriel. GABRIEL:“Maraming salamat po Kuya Badong, ang totoo nakakulong ngayun si Tatay, kaya wala nag susuporta samen ni Nanay, sinisikap ko makatapos ng pag aaral para sa mga kapatid ko at Nanay ko. BADONG:“Daniel Anak, ekarga mu na lahat yang mga gamit dito sa Van at uuwi na tayu, maswerte ka parin gabriel kahit nakakulong tatay mu, anu sabay kana samen pauwi, saan ba Date mu e drop ka namen. At doon sumama samen ni Daniel si Gabriel pauwi,….habang nag darive ako,…GABRIEL:” Nakulong si Tatay kase napagbintangan na nagnakaw ng gamot sa botika, mesakit kase noon kapatid ko, kaya ganun.

BADONG:“ sinu nag bibigay baon sayu Gabriel? Tanong ko at lumingon ako kay Gabriel…” GABRIEL: Wala kuya Badong, yung pera ni Nanay pambili lang namen ng bigas at ulam, yung Girfriend ko, minsan nag bibigay. BADONG:“mabuti at nakahanap ka ng galante na girlfriend” wika ko,,” GABRIEL:Oo nga po, swerte ko don, sa kanya lang ako umaasa ngayun…sagot ni Gabriel na nakangiti saken habang nag dadrive ako. GABRIEL:“Dito na lang po pala ako Kuya Badong,, pagmamadali na wika ni Gabriel,,..BADONG: Okay Sige, ingat, enjoy sa Date mu, Daniel Anak nadala ba nya mga uniform na bigay natin,, DANIEL: Hindi po, naiwan nya.

BADONG:“sayang naman, napakalayu na ni Gabriel, tinatamad na akong bumalik, Daniel Anak, kilala mu ba yung Gabriel na yun? DANIEL: Hindi po Pa, ngayun ko nga lang yun nakita, hindi sya pamilyar saken. Pagdating namen sa bahay, minanehu ko ulit yung Van para bumili ng pagkain namen, wala kase si Irene, tinamad na akong mag luto noon, kaya bumili na lang ako sa restaurant. Habang nagmamanehu ako sa Highway nakita ko ang isang etudyante na binubogbug ng mga kabataan, naka uniform ito, nang malapit na ako kinabahan ako, si Gabriel pala ito, kinukuyog ng mga tao.

Madali kong itinabi ang Van at bumaba ako, tumakbo ako at inawat ko yung mga tao, BADONG: “Sandali!! Sandali!! awat na!! awat na!! bakit nyo binubogbug ang walang kalaban laban, mag isa lang ito ang dami nyo. MGA KABATAAN: Eh magnanakaw yan, BADONG “ Totoo ba sinasabi nila Gabriel ? GABRIEL Hindi po totoo kuya Badong,….”BADONG: Basag na mukha mu at mata mu, gabriel magsabi ka na nang totoo saken!!!nagnakaw ka?! GABRIEL:“Hindi totoo ang binibintang nila saken, pinalaki kaming may Takot sa Diyos ni Tatay, hindi ko pong magagawang magnakaw kuya Badong, maniwala po kayu saken, sila ang may problema. KABATAAN: “Huwag kang maniwala jan, magnanakaw yan, enisnatch nya yung cellphone ko, kinuha mu! Mag sisinungaling kapa, ikaw lang yung nakasunod samen, walang namang iba na nasa likuran namen. BADONG: “Totoo ba Gabriel?...usisa ko pa, “ Hindi totoo sinasabi nila, malinis konsensya ko Kuya Badong hindi kami pinalaking magnanakaw ni Tatay, mga sinungaling mga yan, maniwala po kayu SAKEN!!

BADONG: “Magkanu ba yung cellphone na nawala? KABATAAN:“ Tatlong Libo” sabat agad nong isang binatilyu, “BADONG: Eto, tatlong libo, ebalato nyo na saken itong binugbog nyo, akona bahala sa kanya. KABATAAN:“Dalhin mu ya sa pulis ah, magnanakaw yan” sigaw pa noong isang binata, at nagsitakbuhan sila palayu saamen ni Gabriel…”Gabriel bangon kana, akbay ka saken, dali na at dadalhin kita sa Hospital. BADONG:“Kumapit kang mabuti, mukhang may bali pa kapa sa likod, anu kaya mu pa ba???..” GABRIEL: Hindi ako pwedeng makita ni Nanay na ganito ako, aatakihin yun sa puso kapag nakita nya ako na ganito. BADONG: “Naintindihan ko gabriel, doon kana muna sa bahay ko mamaya after hospital…..at doon sinakay ko sya sa Van, alalang alala ako kay Gabriel, noon tinawagan ko si Daniel anak ko,na mag handa sa bahay. Ginamot si Gabriel sa Hospital, inayus ng mga doctor mga basag at durog sa ilong at mata nya, sayang yung pagkagwapo nyang itsura sinira lang ng mga kabataan na yun, peru naayus parin yun ng doctor, gumastos ako.

Alam ko na matatagalan bago humilum ang mga tama nya sa mukha, minabuti kong hingen ang number ni Mama nya, tinawagan ko mama nya ay sinabi ko ang totoo, peru hindi ko na ipinaalam kay Gabriel. Ayaw ko rin kaseng mag alala si Gabriel na alam na ni mama nya lahat, pumayag naman si Mama nya na pansamantala sa bahay ko muna sya“ BADONG: Gabriel dito na tayu sa bahay ko, tara na, baba kana. BADONG: “Anu kaya mu bang maglakad? Okay ka? GABRIEL:Medyo okay na ako kuya Badong, wag na wag mu pong sasabihin kay mama ito kuya Badong… “BADONG: hindi ko sinabi, sabi ko, may group project ka. BADONG: “Daniel Anak alalayan mu itong si Gabriel, tulungan mu nga ako, puro ka cellphone jan, bilis na!!,” DANIEL: Tay hindi pala pwede sa kwarto ko si Gabriel sa kwarto mu na lang sya Tay, andito kase GF ko now. GABRIEL: “Anu? Puro ka na nga Cellphone pati GF mu andito pa sa bahay Natin??.... DANIEL: Tay hindi naman uuwi si Nanay Irene ngayun, diba may party yun nong kumare nya, sa Inyo na lang si Gabriel tay.

DANIEL: “Tsaka tay tumawag pala kanina si Nanay nag outing daw sila ng mga kumare nya sa tagaytay, tatlong araw daw silang hindi makaka uwi, anu tay, mukhang sumama pakiramdam nyo. BADONG: “Ako daniel wag mung pinapasama pakiramdam ko, nauunawaan ko si Irene, alam ko na namiss nya na mga kumare nya na galing abroad, walang masama kung tatlong araw syang hindi makauwi. DANIEL: “Tay” wala naman akong sinabing masama, ininform lang po kita, Gabriel andoon pala yung mga damit na hindi ko na magamit, sayu nayun, bukod sa mga uniform ko, binigyan pa kita ng mga Tshirt at maong. BADONG:“Gabriel kinakausap ka ni Daniel, ayus ka lang ba? May masama ba sa pakiramdam mu? pinaakbay ko si Gabriel sa balikat ko at inalalayan ko sya patungo doon kwarto ko upang makapag pahinga na sya. BADONG: anu okay ka lang ba? Magsabi ka kung may masama pa sayu, Daniel mag pwesto kana at tawagin mu yung Girlfriend mu at kakain na tayu ng hapunan, dito na lang ako sa sala mamaya matutulog.

DANIEL: Tay, doon na lang po kayu sa kwarto ninyo matulog, hindi naman uuwi si Inay, isa pa para mabantayan mu yan si Gabriel, malala ata tama nyan, bantayan mu yan tay baka di yan magising bukas. GABRIEL: Daniel! Ayusin mu pananalita mu, masaya ka ba na may taong mawawala? Hindi ko gusto ang mga sinasalita mu, hindi natin sya kaanu anu peru huwag mu syang pag sasalitaan ng ganyan. BADONG: Tay sinasabi ko lang naman ang possibilidad, tignan mu yang si Gabriel, malala tama nya, dapat sa hospital muna pala sya, baka mapanu pa sya dito, marami pa ata syang bali. BADONG: Anak Daniel, bisita natin na natin sya, kung magsalita ka parang wala nang pag asa, yung Girlfriend mu asikasuhin mu, wag itong si Gabriel ako na bahala dito, mag pwesto kana ng hapunan. GABRIEL:“Ayus lang po ako Kuya Badong, taman naman po si Daniel, dapat iniwan nyo ako sa hospital, BADONG: ”Walang mag aasikasu sayu don Gabriel isa pa mag oopen ako ng canteen bukas, di kita maasikasu.

DANIEL: Tay ang drama nyong dalawa, daig nyo pa kami ng Girlfriend KO ,honey tara na, tay tara na, kumain na muna tayu ng hapunan? Gabriel dalhan na lang kita jan nang makakain. DANIEL: Tsaka Tay, kinikilig daw itong Girlfriend ko, ang sweet mu daw sa bisita mu, BADONG :.tumigil kana Daniel di ka nakakatuwa, Gabriel tara na alalayan na lang kita papunta sa kusina, para makakain kana. At sama sama kaming naghapunan noon Sir Will, wala doon yung anim na iba ko pang mga anak, nasa kani kanilang boarding house sila, tanging si Daniel at ang GF nya ang nandoon. Ganun talaga yung binata kong anak na si Daniel, parang kabarkada lang turing namen sa Isat isa, kasu minsan sumusubra sa pananalita. BADONG:“ Anu Gabriel kaya mu bang kumain? GABRIEL: kaya po.

BADONG: Wag mu na palang isipin si Mama mu, sinabihan ko na yun na nag overtime ka sa School, working student ka pala,.? GABROEL: Oo kuya Badong, Working student ako. Sir Will lumipas ang gabi na yun, inasikasu ko noon si Gabriel, muli kong binuksan yung canteen kinaumagahan at ibinilin ko si Gabriel kay Daniel na at noong nasa canteen na ako, pangalawang araw ng canteen noon. May isang studyante na katulad din ni Gabriel nakatingen mula sa malayu, tinitignan nito ang mga paninda ko na pagkain, tinatanaw nya ito at parang gusto rin nya noon mag agahan, gutom na rin ata yun.

Sabi ko, BADONG:Boy Tara halika dito, libre pa ngayun ang agahan dito sa unang limang studyante na dito mag aagahan sa canteen ko, tara, halika! At lumapit nga ang studyante at nag handa naman ako. Umupo ito at nakangiti saken na parang nag papasalamat na at nagagalak sya sa noon, habang nakatingen saken, ito logbook pakilista pangalan mu at edad dito para maka avail ka ng free breakfast boy. At pagbalik nya nang logbook saken, nabasa ko pangalan nya sya pala si Lary, Lary ito, Beef tapa at ukoy, enjoy,, LARY:“maraming salamat KUYA. BADONG: Teka mukhang luma na ang uniform mu lary? LARY: Opo, bigay lang ito saken, minana ko sa katropa kong graduate na, BADONG: marami akong uniform sa bahay, mga pinaglumaan ng mga anak ko peru mga bago pa, bigay ko sayu, LARY: Sige, po, kuya, maraming salamat po, may free breakfast na may libreng uniform pa,…” BADONG: Wala yAn, talagang dapat paminsan minsan libre ang pagkain para mga taong mahihirap. Natapos ang araw na yun, sumapit ang hapun, nagmamanehu na ako ng Van pauwi noon nang makita ko yung Estudyante na si Lary naglalakad pauwi, naalala ko bibigyan ko pala sya ng Uniform noon, pangako ko. Tinigil ko Van sa tabi, BADONG: “Lary, tara sabay ka na saken, saan ba uwi mu? At ibaba na lang kita kung saan man, ngumiti sya saken at agad na sumakay sa Van, BADONG: Lary sama ka pala muna sa bahay ko.

BADONG:“Yung uniform pala na ibibigay ko sayu daanan natin sa bahay,” at doon Sir Will dinaanan ko mga uniform sa bahay. Pagdating sa namen sa bahay, ang sama ng mukha ni Daniel, BADONG: Napanu ka? BADONG:“Anu bang nangyari sa mukha mu Daniel? Umiyak ka ba? “ DANIEL:Tay wala na si Inay, iniwan nya na tayu, sumama na pala sya sa kabet nya, may kabet pala sya tay, Nalaman ko sa pinsan ko. BADONG:“Anu bakit di mu ako tinawagan!!” bumaba ako ng van, ibinalibag ko yung statwa na na fountain sa harap ng bahay namen, tinadyakan ko yung van, umiyak ako na nagwawala noon, inawat ako ni Daniel at Lary.

HAbang si Gabriel naroon noon sa may pintuan nakatanaw lang saamen at nag aalala sa problemang pinag dadaanan ko noon. Pinatawag ko yung natitira ko pang anim na mga anak, lahat yun mga binata na rin. Kinausap ko sila lahat, noong magka tipon na mga anako sa bahay, kasama noon si Lary at Gabriel noong gabi na yun, huminge ako ng sorry sa mga anak ko tungkol sa nanay nila na si Irene. Sinabihan ko lahat ng anak ko, na kahit ganun ginawa ni Irene saken, at sa kanila ay wag silang magagalit sa nanay nila na si Irene, hindi alam ni Irene ginagawa nyang masama, nadala lang sya ng kasamaan sa mundo. BADONG: Balang araw mga anak, marerealize din ni Nanay Nyo na mali ang ginawa nyang pag sama sa kabet nya, Noon ko pa alam na may kabet ang nanay nyo, peru nag bulag bulagan ako, dahil mahal ko sya. BADONG: Mga anak, wag nating gantihan ng masama ang masama, alam ko na masama ginawa ng nanay nyo saken, peru mas nararapat na gantihan ng mabuti ang masama, para mapahiya ang masama. BADONG: kung gagantihan natin ng galit at kasamaan ang nanay nyo, wala na rin tayung pinag kaiba sa kanya, kaya mga anak, relax lang kayu, umaasa ako na babalikan tayu ng nanay nyo.

Sir Will dumaan ang gabi na yun, sa may sala ako natulog, nagsibalikan na ang mga anak ko sa kani kanilang boarding house, hindi pala noon umuwi si Lary, si Gabriel naman nagpapahinga na noon. Sumapit ang umaga, nag bukas ulit ako ng canteen, umuwi na noong umaga na yun si Lary dala ang mga uniform na bigay ko, natapos ang araw na pagod na pagod ako sa canteen dahil wala na si Irene. Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Gabriel na nag lilinis sa bahay, kahit pikay yung isang brasu nya nag mamap sya ng sahig, sabi ko. BADONG: diba sabi ko gabriel magpahinga ka lang muna.

GABRIEL: Ayus lang po Kuya Badong, napakabuti nyo pong tao kaya tutulong ako dito sa bahay mu, nga pala, si Lary pumunta dito kanina hinahanap ka, yayain ka raw uminum mamayang gabi. BADONG: wala talaga, padami na nang padami ang mga kaibigan ko, kapag ginawan mu talaga ng mabuti ang isang tao, hahanap hanapin ka at kakaibiganin kapa, anu Gabriel okay kana ba? GABRIEL: ngayun lang ako nakakilala ng taong kagaya mu Kuya Badong, hindi marunong magtanim ng masama sa kapwa, mapagbigay at maawain pa, sana maging kagaya rin ako sayu. BADONG: O sa sya, baka maiyak pa ako sa mga sinasabi mu gabriel, tara na sa kusina at maghapunan na tayu, si Daniel asaan ba? Kanina ko pa hindi nakikita yun dito sa bahay. GABRIEL: Nagpaalam pala yun saken na may date raw sila ng GF nya Kuya Badong, tsaka si Lary nagtext ngayun papunta na raw sya dito sa bahay mu kase tenxt ko na andito kana. BADONG: O sa sya sige na maghapunan na tayu, bahala kayu ni Lary, basta ako magpapahinga ako ngayun, solo ko kanina sa canteen walang katulong, anu kaya kung kayu na lang empleyado ko ni Lary sa canteen gabriel. GABRIEL: Pwede naman, mag papagaling nako kaagad nito kuya badong para makatulong sa inyo, si Nanay Pala kamusta, BADONG: okay naman sya sabi nya, umuwi ka naraw, sabi ko madali kanang umuwi.

AT lumalim pa ang gabi Sir Will, natapos kami mag hapunan ni Gabriel, pinagbuksan ko ng pinto si Lary, BADONG: Oh lary tuloy ka, talagang hindi ka nagpaawat , may dala pang inumin. LARY: isang bilog lang ito, pampatulog lang kuya badong, Wika ni Lary,,,BADONG:bakit dito ka ba mag papalipas ng gabi? Sabi ko…LARY: OO kuya badong, boring din kase samen, wika pa ni Lary. At doon nag harap harap kami ni Lary at Gabriel sa center table, usap isap, tawanan, biruan, kwentuhan at lalong naging makulay ang bahay ko noong gabi na yun, hanggang sa. Sir Will, may isang bagay na hindi napag kasunduan si Lary At Gabriel, nag aalala na ako noon kase nagdidiskusyon na silang dalawa habang nag uusap sila, inalam ko kung anu ang pinag uusapan nila. Naroon kase ako noon sa kusina, kumukuha ng yelo, pagbalik ko nag sasagutan na silang dalawa, may hindi na pag kakaunawaan, BADONG: uy uy anu bang pinag tatalunan nyo at nag didiskusyon kayu. Hindi ko magets ang pinag uusapan nila noon, hanggang sa hindi na nga sila nag sasalita, sabi ko sa loob loob ko, mga kabataan talaga ngayun, kaunting bagay lang hindi na nag kakasundo.

BADONG: alam nyong dalawa lary at gabriel, magbati na kayu, pati ako nag aalala ako sa hindi nyo pagkakaunawaan, gabriel alam mu naman na walang lugar dito sa bahay ko ang masama. BADONG: Ikaw lary, kung anu man ang hindi mu nagustuhan sa sinabi sayu ni Gabriel, unawain mu na lang siguro total mas matanda ka naman sa kanya, sandali anu bang pinag aawayan nyo. IKAW’!!!!! sabay nilang sagot saken,,,,,,BADONG: sandali, sandali bakit ako, wala akong atrasu sa inyong dalawa, bakit ako ang sagot nyo, GABRIEL: kuya Badong may gusto kase akong sabihin sayu. BADONG: anung gusto? Etuloy mu sasabihin mu gabriel?.....Lary anu bang sinasabi nito ni Gabriel? Anu bang gusto nya.…..LARY: Wag mu na lang pong alamin kuya Badong tiyak na hindi nyo magugustuhan. BADONG: Ewan ko sa inyo, bahala nga kayu dito, doon na lang ako sa kwarto ni Daniel, matutiulog na ako, tapusin nyo itong inumin, wag kayung maingay at matutulog na ako, mga kabataan talaga, pasaway.

At doon iniwan ko sila sa sala, binilinan ko si Lary na alalayan si Gabriel kapag matutulog na ito, at nagpahinga na nga ako noon sa kwarto ni Daniel, sila na lang naiwan doon sa harapan ng TV. Ganun talaga mga kabataan ngayun, lagi hanap jamming, peru mali pala ako Sir Will, at dito na nga sasabihin ko ang katotohanan sa likod ng kwento na ito, nagising ako noon mga alas onse ng hating gabi. Naglakad ako patungo sa kusina kase iinum ako noon ng tubig, nang biglang may yumakap saken habang umiinum ako ng tubig sa harapan ng water Jug, sabi ko sinu naman kaya itong yumakap saken ngayun. BADONG: daniel anak, bakit ginabi ka ng uwi? Doon pala ako natulog sa kwarto mu, sige ikaw na doon sa kwarto mu mag pahinga kana anak,,, ganu kase talaga saken si Daniel minsan niyayakap ako, akala ko sya yung yumakap saken.

Subalit pag lingon ko, si Lary! Si Lary pala, kaagad ko naman syang itinulak palayu saken, BADONG: Uy LARY kaw pala, akala ko si Daniel na binata kong anak, bakit kaba nang gugulat. LARY: hindi ka naman nagulat ah, nabigla ka lang ata dahil nalaman mu na ako ang nakayakap sayu!... wika ni Lary….BADONG: Bakit ba kase? Anu bang problema mu?..... LARY: type kita kuya badong… matagal na kitang nakikita sa canteen ninyo dati, hanggang sa nag open ulit kayu ng bagong canteen sa UP, hinanap kita dahil matagal na akong may pag hanga sayu. Wika ni Lary Tumawa ako ng malakas sa kusina, BADONG: Anu to, bro love confession? Lakas ng tama mu Lary, etulog mu na yan, baka nananaginip ka lang uy, wag ako lary, hindi ako bading…at naglakad ako paalis sa kusina. Subalit habang naglalakad ako palayu sa kusina, sumunod ng mabilis si Lary, niyakap nya ako ulit,,,BADONG: Lary tama na yan, hindi ako bading! Layuan mu ako, lary…… LARY: please maawa naman kayu Kuya Badong wag nyo akong bustedin, firstlove ko po kayu, kayu ang pinaka unang nag patibok ng puso ko,,,kaya wag nyo naman akong biguin…wika ni Lary BADONG: Lary, hindi mu alam sinasabi, paghanga lang yang nararamdaman mu saken, mawawala rin yan sige na, matulog kana, huwag muna ako yakapin, layuan mu ako baka makita ka ni Gabriel.

LARY: titigil lang ako kapag sinagot mu ako, pahabul pa ni Lary, BADONG: Anu ba namang buhay ko to, dami ko na ngang problema may dumagdag pa, Oo na, oo na, sagot kong napipilitan. Ang Oo na sinalita ko noon ay wala sa puso ko, ginawa ko yun, dahil may naglalakad noon papunta sa kusina naririnig ko, nang malapit na ito, si Gabriel pala,,, BADONG: Oh gabriel ikaw pala, GABRIEL: OO kuya Badong iinum lang ng tubig, maayus na lagay ko,…at umalis noon si Lary sa Kusina na abot tenga ang ngiti, naglalakad sya noon paalis sa kusina at nakatingen saken na kumkislap ang mga mata nya. GABRIEL: Anung nangyari sa mokong na yun, bakit parang nawala yung kalasingan non, kanina lang lakas ng tama noon ah. BADONG: Ewan ko din don, may tama na yata yun sa utak, tumatawa ng walang dahilan.

HAbang umiinum si Gabriel, pinagmamasdan ko sya, hindi pa sya okay, kitang kita ko sa kanya na marami pa syang sakit na iniinda sa likod nya, BADONG: Ako na nga Gabriel, hindi mu pa kase kaya. At ako na ang naglagay ng tubig sa basu mula sa pitchel, BADONG: sinabihan na kase kita tawagi mu ako kapag may kailangan ka, GABRIEL: kaya ko naman kuya badong, ayaw ko maging pabigat dito sa inyo. BADONG: Hindi ka pabigat, masaya ako na natutulungan ka, kaya ayus lang lahat saken. Nga pala gabriel anu ba yung pinag didiskusyonan ninyo kanina ni Lary at anu pala yung sasabihin mu saken na hindi mu nasabi. GABRIEL: may gusto ako sayu Kuya Badong, peru hayaan muna, wala lang yun saken….BADONG: Sandali, bakit parang normal na normal sayu na sabihin na may gusto ka saken ah.

BADONG: At wow ah, parang hindi ka man lang nahiya na sabihin sa harap ko na gusto mu ako, at umiinum ka pa ng tubig na parang wala lang,, GABRIEL: EH nasabi kona, alam muna, wala na akong magagawa, nasabi kona. BADONG: at parang ako pa ngayun may utang na loob sayu na nasabi mu yan saken, ibang klase karin Gabriel, lakas din ng loob mu na sabihin yan sa harap ko. GABRIEL: EH gusto nga kita, anu magagawa ko. GABRIEL: Atleast alam muna, atleast nasabi ko na, wala na ngayun problema ang puso ko….Sir Will noong mga oras na yun tanging nasabi ko na lang Wow, ganito ba mga kabataan ngayun. Ang lalakas ng loob nila magbiru at paikot ikutin ang damdamin ko kahit hindi naman totoo…..BADONG: Ako Gabriel wag mu akong pinag lololoko, hindi ako basta bastang tao na gaganituhin nyo. GABRIEL: gusto nga kita, nahulog ang loob ko sayu noong niligitas mu ako sa kalsada, matapang lang talaga ako magtapat ng nararamdaman ko, peru hindi ako nag bibiru, Gusto kita….

BADONG: Patawa karin noh? Tingen mu maniniwala ako, hindi ako bading na maloloko mu basta basta..GABRIEL: Wag ka na ngang mag maang maangan Kuya Badong, alam ko na bading ka. BADONG: anu? At ako pa ngyun ginigisa mu sa mantika, Gabriel hindi ja ako natutuwa sa mga sinasabi mu, mapang husga ka,,,Anung klase ba kayung mga kabataan ngayun bakit ganyan kayu. BADONG: mga Judgemental kayu,,,,subalit bigla na lamang naglakad papunta saken si Gabriel, nang nasa harapan ko na sya, tinignan nya ako sa mata,,, GABRIEL: gusto talaga kita, totoo sinasabi ko. At doon noong hindi ako sumagot sa sinasabi nya, bigla nya ako hinalikan sa mga labi ko, namalayan ko na lang magkayakap na mga lips namen, pinabayaan ko lang na ekiss nya ako…wala na ako pakialam.

BADONG: sandali, gabriel tama na, hindi ito tama!!! At doon itinulak ko sya at nag lakad ako palayu sa kanya, umalis ako sa kusina, nagkagulo gulo na utak ko noon, sabi ko, anu ba tong mga problema sa buhay ko. Sir Will hindi ako pumayag sa nais ni Lary at Gabriel, peru nauna na nga akong nakapag sabi ng OO kay Lary, lumipas ang gabi na yun, sa van ako natulog, hindi ako doon natulog sa bahay. Parang ayaw kong makita noon yung dalawa na yun na kainuman ko, ewan hindi naman ako ganito dati peru bakit parang naguguluhan na ako ngayun sa buhay ko. Sir Will nandito parin sila sa bahay ko hanggang ngayun, paminsan minsa umuuwo sila sa kani kanilang tahanan peru gusto talaga nila, na palagi silang nakabantay saken, kayaman ata turing nila saken. Nagpatuloy ako sa negosyo ko na canteen at palaging tumutulong salen si Lary at Gabriel sa canteen, hindi ko ibinibigay ang mga gusto nila saken, peru minsan parang gusto ko nang bumigay.

Peru hindi, kaya ko pa naman sarili ko, kahit kailan hindi ako bibigay sa mga gusto nila saken, magiging matatag ako laban sa kanila, dahil ito ang alam kong tamang gawin…. Napamahal na nga ako dito sa dalawang ito, peru kaibigan lang ang turing ko sa kanila, ganito pala kapag ginawan mu ng.mabuti ang mga kabataan ngayun, mamahalin ka nila ng subra subra. Nag away ang dalawa, si Lary at Gabriel, nagselus si Lary, si Gabriel kase palaging nasa tabi ko, enawat ko, doon pa naman sa canteen ng school yung dalawa nag suntukan.

Akalain nyo, mga katulong ko sa canteen nag rambulan doon, naubos pasensya ko sa dalawa, sinuntok ko parehu, ayun natauhan sila, sabi ko, wag nyo ako ipahiya dito sa UP ah…. WAlang nakakaalam tungkol sa lagay ng relasyon ni Lary saken, ganun rin ang pag ibig ni Gabriel saken ay nananatiling lihim hanggang ngayun, at wala akong pipiliin sa dalawa, kaibigan ko lang talaga sila. Peru hindi nila ako kayang iwanan, hindi alam ng dalawa na sumulat na ako sa Inyo Sir Will, at kung sakaling marinig nila ito, bahala na, malalaman nila na wala akong pipiliin sa kanila, hindi po ako bading.

2022-02-19 17:06

Show Video

Other news